NAGPANGGAP AKONG MAHIRAP AT PUMASOK NA KASAMBAHAY PARA MAKASAMA ANG CRUSH KONG CEO.
Ipinikit ko ang mga mata ng makita ko ang malakas na ilaw ng kotse ng lalaking nakatira sa kabilang kanto ng Southville subdivision kung saan tirahan ng mga bilyonaryo.
Ilan hakbang ang pagitan ng huminto ang kotse sa harapan ko.
Nanginig ang mga tuhod ko dahil sa kaba at t4kot at bumags4k sa basang kalsada.
Ganito pala kapag hum4rot, buwis buhay.
Naaninagan ko ang lalaking lumabas sakan’yang kotse upang alamin ang lagay ko ngunit nag kunwari akong walang malay.
Dinala niya ko sa hospital, matapos ng pagpapanggap na tulog ay natuluyan akong kinain ng antok at wala na ito pag gising ko. Iniwan na ‘ko sa hospital ng bayad ang bill.
Grabe un na ‘yon? Sabagay saan niya ba dapat ako dalhin? Sakan’yang bahay? Eme ka din e.
Muli akong pumasok sa subdivision ngunit hinarang ako ng guard at ayaw akong papasokin. Nakita ko ang pamilyar n’yang kotse na pumasok.
Umikot ako upang hindi mapansin ng guard at tumakbo papasok.
“HOYYYY BABAE BUMALIK KA DITO!!”
Habol habol ko ang kan’yang kotse na biglang huminto, bumaba ang bintana ng kan’yang kotse at tumingin sa ‘kin.
Gulat ang reaction ko na makita siya. Sa buong buhay ko ay ngayon lang ako nagkagusto sa lalaki at nagka crush, nakangiti akong nakatitig sakan’ya ng may humawak sa braso ko upang hatakin ako.
“Hey hwag mo s’yang hatakin.” Simple n’yang utos sa guard kaya lalong lumawak ang ngiti ko habang titig sakan’ya.
“Excuse me? Ikaw ang babaeng dinala ko sa hospital right? Anong kailangan mo?” Tanong niya.
“K-kailangan ko?”
Nakatitig lamang siya sa ‘kin.
“Kailangan kong sumakay sa kotse mo pauwi sa bahay mo.” Nakangisi kong sagot ngunit nangunot ang kilay niya.
Klinaro ko ang lalamunan ko.
“Nakita ko kasi sa papel na hiring kayo ng kasambahay.” Napaisip ito at muling tumingin sa ‘kin.
“Papel? Pwedi ko bang makita?”
“N-nawala e.”
“Hindi kami hiring ng kasambahay… Thankyou.”
Hinatak akong muli ng guard sa braso para kaladkarin.
“Maawa ka Sr! Kailangan kong magkaroon ng trabaho ang Tatay ko isang PWD k-kailangan kong matustosan ang buwanan n’yang maintenance Sr!”
Malalim s’yang napahinga ng malalim.
“Wag kayong maniniwala sa babaeng ito Sr! Uso ang modus ngayon—
“Modus sa ganda kong ito Kuya?!!”
“Sakay. ” Utos niya kaya nanlaki ang mga mata ko at mabilis na binawi ang braso ko sa guard at mabilis na sumakay sakan’yang kotse.
Nagdrive na siya papunta sakan’yang bahay kaya hindi mawala ang ngiti sa labi ko ng pumasok kami sakan’yang bahay.
Mas malaki pa dito ang bahay namin ng triple, siguro ay baka mas mayaman pa kami sakan’ya pero dibali ang mahalaga ay importante.
Nakasunod lamang ako sakan’ya habang inilibot ang paningin sakan’yang bahay, at ng huminto siya ay umuntog ako sakan’yang likod.
Humarap siya sa ‘kin.
Shessshhh ang bango ket mapawis!
“Anong pangalan mo?”
Napaisip ako, kung sasabihin ko ang tunay kong pangalan ay baka ipahanap niya ko. Napaisip ako ng makita ko ang pangalan sa kung saan.
“Jaja Coleen C. Cabantutan po alyas Neng.”
Napatitig s’yang muli sa ‘kin.
“Ilang taon kana?”
“26 po!”
“Talaga bang kailangan mo ng trabaho?” Mabilis akong tumango.
” I heard na isang PWD ang tatay mo? ” Kunwaring naiiy4k ako.
“Opo. “
“Taga bataan po ako pero sumugal sa Manila para maghanap ng mapapasukan, dalawang araw na po akong walang maayos na kain Sr. “
Malalim na paghinga ang kan’yang pinakawalan.
” Osige dyan kalang muna at magpapalit lang ako ng damit sa taas, Manang samahan niyo po muna si Neng dito sa living room.”umakyat na ito ng hagdan.
” Yes Sir! “
Lumapit ang matanda sa ‘kin at ngumiti naman ako.
Nagring ang cellphone ko kaya napatingin ang matanda sa ‘kin, Napatingin din siya sa cellphone kong kabibili ko lang kahapon dahil latest.
” iPhone 17 pro max ba ‘yan Neng? “Tumango lamang ako at muling ibinalik sa bulsa ang cellphone ko.
” Bakit ayaw mong sagutin Neng?”
Ngumiti ako.
” Napulot ko lang po kasi sa tabing kalsada ang cellphone baka po kasi tumatawag ang may ari sa bago kong cellphone. “
Nakamot niya ang nuo.
” Sayang naman dapat ibalik mo Neng. “
” Hindi po, bago ako umalis nagwish po ako sa itaas na sana magkaroon ako ng cellphone para maka contact sa pamilya ko sa bataan. At ito napo iyon kaya akin na ito ipinagkaluob po sa ‘kin ito. ”
…….
Part1
“May dala kabang kahit na anong pagkakailanlan mo Jaja? Coleen? Anong mas gusto mong itawag ko sa ‘yo?” Tanong ng poging lalaking ito na nakasuot ng puting tshirt at pajama.
“Jaja Coleen Sr!” Inisip isip niya ang pangalan sinabi ko at natawa ng peke.
“O mas magandang Neng nalang Sr!”Napatango tango ito.
“So Neng. Kailangan kong makita ang PSA mo.” Nalungkot ako kunwari.
“Nako nasa Bataan po e! Pwedi po bang sa susunod nalang po pag uwi ko sa ‘min Sr?” Pinagsaklop ko ang mga palad.
Hindi siya nakasagot kaagad.
“Maawa po kayo Sr! Kailangan ko po talaga ng trabaho.” Lumuhod ako sakan’yang harapan at tumingala.
Ganito pala pag nakaluhod sakan’yang harapan parang….
Maagap niya kong itinayo kaya lihim akong kinilig! Pogi na napaka bait pa.
“Pls wag kang lumuhod o luluhod, mukhang mabait ka naman sige pagkakatiwalaan kita Neng pero kailangan ko padin makita ang PSA mo okay?” Mabilis akong napatango tango.
“Saan mo gustong matulog ngayon gabi—
“Pwedi bang sa kwarto mo Sr eme! Kahit saan po.” Hindi siya natawa kaya napapahiya akong inilibot ang paningin sa paligid.
“Marami naman kwarto pero baka gusto mong kasama si Manang.”
“Kahit saan po Sr porda gow!” Nauna s’yang naglakad habang nakasunod lamang ako.
“Osige dito nalang.”
Binuksan niya ang ilaw sa maliit na kwarto ngunit may banyo sa luob kaya napangiti ako.
Sapat na ito para makasama ka Sr!
Humarap siya sa ‘kin kaya mabilis akong umiwas ng tingin.
“Nako Salamat po Sr may matutuluyan na ‘ko!” Naupo ako sa malambot na kama.
“Okay okay magpahinga kana, ituturo ni Manang ang mga trabaho na paghahatian niyo bukas.”
“Goodnight Sr!” Tumango lamang ito ngunit nagsalita akong muli.
“Sr! Ano po palang pangalan niyo?”
“Alas, you can call me Sr Alas o Kuya Alas.” Napangiti ako at tumango tango, pagtalikod niya ay nahiga ako sa kama at gumulong gulong.
Mas gusto ko s’yang tawagin hubby o myloves! Ackkk! Akalain mo nga naman na success ang plano kong maging kasambahay sa bahay ni myloves!
Pagsisilbihan aalagaan at luluhuran kita Myloves! Este Sr Alas.
Napabangon ako at huminga ng malalim habang pinagmamasdan ang kwartong kasing laki ng banyo sa bahay namin.
Malaki panga ata ng konti ang cr sa kwarto ko kaysa dito.
Pero dibali ang mahalaga ay importante!
Wala manlang akong nadalang damit! Pero baka naman may uniform ako dito bilang kasambahay hindi ba? Para naman panty nalang ang kailangan kong dalhin sa susunod at konting damit pantulog.
Alas dos na ng madaling araw ngunit hindi padin ako dinadalaw ng antok kaka imagine sa future namin dalawa ni Sr. Alas
Nabab4liw nanga ata talaga ako sa lalaking itey!
KINAUMAGAHAN
Maaga akong bumangon at nadatnan ko si Manang sa kusina na nagtitimpla ng kape, madilim pa sa labas at mukhang naatat akong gumising para pagsilbihan si Sr Alas.
“Magandang umaga Neng.”
“Mas maganda pa po ako sa umaga Manang salamat po sa kape.” Dinampot ko ang kan’yang kape na hinahalo at hinigop.
Natawa siya at muling kumuha ng tasa para magtimpla ng kanya.
“Ikaw talaga Neng! Hindi ko maiwasan mamiss ang apo ko saiyo.” Napabaling ang tingin ko sakan’ya at napangiti.
“Bigla ko din pong namiss ang Lolo ko sainyo Manang!”
Parehas kayong walang ngipin sa umaga.
“Hindi pa po ba gising si Sr Alas manang?” Tumingin siya sa direksyon ng hagdan.
“Bababa na iyon mamaya kaya ipag timpla mo siya ng kape Neng at may kailangan akong mas unahin maglalaba pa kasi ako.”
“Aye aye Manang!”
Napangiti s’yang muli labas ang gilagid.
“O siya maiwan na kita Neng.”
Naglakad na siya paalis at maya maya pa ay nadinig ko na ang yabag ng kan’yang paa sa hagdan kaya mabilis kong kinuha ang kutsara at hinalo halo ang kape na hinigupan ko kanina para
“Ipinagtimpla kopo kayo ng kape Sr!” Napatingin siya sa kape na hawak ko at inabot.
“Thankyou Neng.”
Nakangiti ko s’yang pinagmamasdan na higupin ang kapeng hinigupan ko.
“Masarap ah.”
Talagang masarap yan dahil si Manang ang nagtimpla plus ang laway ko dyan sa baso sa parting hinigupan mo.
Para kaming nagkiss ack!!
Maya maya pa ay muling dumaan si Manang bitbit ang basket ng labahin.
“Neng ipagluto mo na ng breakfast si Sr. Alas at magsisimula na ‘kong maglaba.”
“Sige po Manang!”
Nagtingin ako ng pagkain sa ref at sinimulan na magluto! Mabuti nalang ay may alam ako kahit papaano.
Balak kong magluto ng omolete para sa poging si Sr. Alas na napaka pogi!
Mabait s’yang tao at may pagka gentleman! Kaya ipinagluto ko siya ng breakfast na puno ng pagmamahal!
Inihanda ko na ang niluto ko sa mesa saktong nakita ko s’yang pababa ng hagdan suot ang tuxedo. Mukhang papasok na ito sa trabaho.
Naupo siya at tinitigan ang pagkain niluto ko at dinampot ang kutsara, tinikman niya iyon kaya kilig na kilig naman ako na nakatayo sakan’yang tabi.
Nahirapan s’yang lunokin iyon at tumitig sa ‘kin.
“M-masarap, Salamat Neng sa almusal. Pwedi mo bang diligan ang mga halaman sa labas? Utos niya kaya kinikilig akong nilisan ang kusina…paalis na sana ako ng muli akong sumilip upang makita kung paano niya kainin ang omolete ko ngunit bigla itong nasuka at napangiwi.
Uminom ito ng tubig at hinawakan ang lalamunan na para bang sin4kal ito.
Anong problema?
At ng makaalis siya sa kusina na hindi inuubos ang pagkain inihanda ko ay tinikman ko ito at don ko naidura ang omolete ng malasahan ko ang sobrang alat.
Kaya pala halos di niya malunok!
“Goodbye Sr. Alas!”
Nakangiti kong paalam bago siya umalis ng bahay, saglit s’yang napabaling ng tingin sa ‘kin bago sumakay sakan’yang kotse at lisanin ang bahay.
Nanatili akong nakatanaw sakan’ya sa malayo hanggang sa mawala sa paningin ko ang kan’yang kotse.
“Manang sabihin mo nga may jowa naba si Sr. Alas?” Tulala kong tanong.
“Sa pagkakaalam ko ay ikakasal na sana ito sa buntis n’yang fiance ngunit hindi natuloy.”
Napabaling ako ng tingin kay Manang.
“Buti naman at di natuloy! Eme so bakit po hindi natuloy?” Napahinga siya ng malalim.
” Hindi ko pweding ichismis Neng e—
Maagap ko s’yang hinawakan sa kamay.
“Tayo tayo lang naman dito hindi ko ipagkakalat pangako!” Itinaas ko ang palad ko.
“Ang fiance niya ay nabuntis ng iba at ikakasal na sana sila pero hindi natuloy dahil hindi dumating si Bride!” Bulong niya kaya nanlaki ang mga mata ko.
“Sinayang niya ang isang Alas!”
“Mabait naman si Sr Alas! Ang kaso ang pinaka ayaw niya sa lahat ang sinungaling dahil minsan na s’yang naloko.” Napalunok ako sa sinabi ni Manang.
Ayaw niya sa sinungaling!!
“Osige maiwan na kita at magbabanlaw pa ‘ko ng mga damit.” Naglakad nasiya paalis
Nakakaawa naman pala ang future husband ko! Dibali my love nandito na ‘ko para alagaan ka.
….
Part2
“Neng lampasohin mo ang sahig pati hagdan.” Utos ni Manang matapos kong mag vacuum ng buong living room, dinning area at hallway ng second floor.
Nakakahilo.
Para akong babagsak.
Sa buong buhay ko ay ngayon lang ako nakahawak ng mga ganitong panlinis, hindi ko alam na mapapasok ang pagiging kasambahay para sa lalaking nagugustuhan ko!
Pero bakit nga ba pinasok ko ang ganito? Eh mayaman naman ang mga magulang ko?
Simple lang.
Napangisi ako.
Dahil gusto kong mabuhay sa ganito, mukhang hindi niya forte ang fix married kaya paiibigin ko na lamang siya sa sarili kong paraan.
Kaka kdrama mo ‘yan.
Naniniwala akong worth ang gusto mong abutin kapag pinaghihirapan.
Pinunasan ko ang hagdan step by step kaya naman soafer sakit ng likod ko ng makaakyat ako sa itaas.
Tagaktak ang pawis ko dahil sa pagod.
“Neng ung kwarto ni Sr Alas baka pwedi mong bisitahin kung may kalat.” Utos ni Manang kaya pinilit kong tumayo ket ang sasakit na ng mga balakang at likod ko.
Sa dulong kwarto, kaliwa, kanan kaliwa ayon nakita ko din ang kan’yang Masters bedroom.
Dahan dahan kong pinihit ang siradura ng pinto.
Napangiti ako ng makita ang kabuuan ng kan’yang kwarto na kasing laki ng kwarto ko sa bahay namin.
Gray and black ang theme ng kan’yang kwarto, panlalaking panlalaki ang kan’yang kwarto pati ang matapang na pabango na naiwan dito.
May guitara na nakasabit sa pader at malaki n’yang picture na nakasabit, suot ang tuxedo ay seryoso s’yang nakatingin sa camera.
Hindi ko tuloy maiwasan na pagnasahan ang kapogian ni Sr Alas.
Kinuha ko ang cellphone ko at pinicturan iyon.
Sunod ay nilibot ko ang paligid ng kan’yang kwarto, wala naman kalat o dumi sakan’yang kwarto ang linis linis nga e pwera dito sa comforter n’yang hindi nakaayos.
Pinagpag ko ito at inayos ng pagkaka tiklop.
Ang sarap siguro humiga sa kan’yang kama katabi siya!
Hindi ko maiwasan na amoyin ang kan’yang unan na napakabango. Hinimas himas ko ang ibabaw ng kan’yang kama at umupo ng dahan dahan.
Wala naman masama kung hihiga ako saglit para ipahinga saglit ang likod ko.
Halos mangawit ang panga ko sa pag ngiti habang nakahiga sa malambot n’yang kama at nakatingin sa magandang kisame ng kan’yang kwarto.
Ipinikit ko ang mga mata upang mag imagine.
Twing maririnig ko ang tunog ng kan’yang sasakyan sa baba ay sasalubungin ko siya upang tulungan mag tanggal ng pantrabahong coat, kukunin ko ang kan’yang bag at hah4likan niya ko sa labi.
Sabay kaming aakyat ng kwarto upang aakyat ng kwarto habang nag aantay don ang isang dosena naming mga anak.
Mali ayoko pala ng isang dosena.
Mahirap maraming anak at kapatid dahil ranas na ranas ko ito sa sarili kong pamilya dahil taon taon nanganganak ang nanay ko.
Mayaman naman kami at kayang buhayin ng Mommy ko pero magulo at maingay.
Sapat na ang tatlo para i…love..you! Ackk! Pwedi naman dagdagan pa ng isa.
Matutulog kami ng magkatabi at…
Magkik*ss.
Inihaba ko ang labi ko upang gawaran siya ng h4lik pag gising sa umaga pero.
“Neng.”
Dinig kong boses niya kaya natawa ako.
“Ano ba ang pang*t ng ganyan pangalan! Tawagin mo ‘kong myloves.”
“Neng.”
Nagdilat ako ng mata at mukha agad ni Sr Alas ang nabungaran ko, mabilis s’yang napalayo sa pagkakayuko upang silipin ang mukha ko.
Napatayo naman ako kaagad upang ayusin ang nagusot n’yang higaan.
“P-pasensya napo! Hindi ko sinasadyang makatulog sa higaan niyo Sr. Alas sorry po napagod lang sa maghapon.” Nahihiya kong sabi.
Nagtatanggal siya ng necktie habang simpleng napapatingin sa ‘kin.
“Okay lang.”
“M-malambot po kasi sa kama niyo parang ang sarap mag…hmm.”
Napatitig siya sa ‘kin matapos tanggalin ang necktie.
“Matulog! Tama po ang sarap talaga matulog kaya hindi ko napigil ang sariling matulog.”
“Sige.”
Nakagat ko ang ibabang labi habang nakatingin sakan’yang tyan.
” May kailangan kapa Neng?”
“Wala na Sr okay lang maghubad lang kayo.” Pigil kong ngiti ngunit mabilis na nangunot ang kan’yang kilay kaya nagising ako sa kahibangan.
” Mauna napo ako sa baba! Pasensya napo ulet.” Lakad takbo kong nilisan ang kan’yang kwarto at kilig na kilig na bumaba ng kusina.
“Ano pong niluluto niyo Manang?”
“Dinuguan Neng, paborito ni Sr. Alas.”
“Ah mahilig po pala siya sa dinuguan..sana makain niya din ‘tong dinuguan ko.”
“Marunong ka magluto ng dinuguan Neng?”
“N-nako hindi po!”
“Palabiro ka talaga!”natatawa n’yang sabi kaya pinanuod ko siya na magluto.
At ng matapos ay naghanda na ‘ko ng pinggan sa lamesa para makapag dinner na si Sr. Alas dahil sabi ni Manang ay 6pm palang ay nagpapahinga na ito kaya maagang kumakain ng dinner.
Matagal din pala akong nakatulog sakan’yang higaan!
“Neng pakitawag si Sr.Alas kakain na.”
“Okay Manang!”
Naglakad nako pataas ng hagdan at kinatok ang pinto ng kan’yang kwarto, muli ko pa sanang kakatokin ng buksan niya ang pinto.
Mahilig siya sa tshirt na puti habang terno ay pajama no? Nakasuot din siya ng glasses at mukhang busy sa natirang trabaho sa office.
Napatitig ako sakan’yang poging mukha na lalong pumopogi kapag seryoso at magulo ang buhok.
“May kailangan ka?”
Ngumiti ako at tumango tango.
Kailangan kitaaaa sa bohai ko Sr Alas!
“Magdidinner napo sa baba Sr Alas.” Napaisip siya.
“Busog ako.”
“Nako nagluto pa naman si Manang ng paborito n’yong dinuguan Sr!”
“Talaga si Manang ang nagluto?” Dahan dahan akong napatango.
“Pababa na. Thankyou Neng.”
Sinara niya na ang pinto at naglakad na ‘ko muli pababa ng hagdan, natuktokan ko ang sariling nuo dahil baka iniisip niya na ako ang nagluto ngayon at maalat pa sa sabaw ng tubig dagat ang lasa ng niluto ko!
Mukhang kailangan ko talagang mag aral na magluto ah!
Pagbaba don ay natanaw ko s’yang pababa na ng hagdan.
“Magandang gabi Manang.”
“Magandang gabi din po Sr! Kain napo kayo.”
Tumingin siya sa ‘kin at muling tumingin kay Manang.
“Sumabay na kayo ni Neng at sabay sabay napo tayong maghaponan.”
“Naku Sr nakakahiya nama—
“Talaga Sr! Nako thankyou gutom nadin talaga ako.” Kumuha ako ng plato at tumabi sakan’ya.
Wala ng nagawa pa si Manang kung di ang maupo sa harapan ko.
Pinagsaklop ko ang palad ko at pumikit, at dahil wala akong marinig sa paligid ay idinilat ko ang mga mata ko at nakitang nagdadasal din sila.
Tinapos ko na ang pasasalamat sa pagkain at biyayang ipinagkaluob ni Lord sa ‘kin na makasama si Sr Alas.
Kumain na kami ng sabay sabay.
Pati sa pagkain ay pogi pogi talaga niya! Makalaglag panty talaga!
Wala pala akong suot na panty dahil hindi pa ‘ko nakakauwi sa bahay namin. Siguro sa sabado na.
Sa araw araw ay ganon ang nangyari hanggang sa sumapit ang sabado. Nagpaalam ako kay Manang na pupunta sa malapit kong kaibigan dito sa Manila. Pumayag naman ito.
Ang sabi ko ay sa linggo na ‘ko ng gabi babalik at pumayag naman ito.
Pag uwi sa bahay namin ay sinalubong ako ng lima namin kasambahay sa hallway ng mansyon.
“Magandang umaga Seniorita Chelsea!”
Tumango tango lamang ako, basta kung anong suot ko nong lumayas ako sa bahay na ito ay iyon padin. Naka uniform pang yaya naman ako don e.
Nadatnan kong nag aalmusal sila Mommy sa dinning, patakbo akong lumapit sakanila at bumeso kay Lolo na nagbabasa ng dyaryo habang nagkakape.
“Mabuti at nakauwi kana.. kamusta ang bakasyon mo sa labas ng mansyon?” Tanong ni Lolo at nagsandok na ‘ko sa plato ng pagkain.
“Okay naman po Lolo!”
“Maganda ba don sa condo unit na binili ko para sainyo apo Chelsea?” Nakatingin na tanong ni Lolo kaya napaisip ako.
Oo maganda naman pero wala ako don ng isang linggo.
“Mas maganda pa ‘ko Lolo.” Natawa ito.
“Kailangan mo paba ng allowance anak Chelsea?” Tanong ni Mommy pero umiling lang ako.
“No need Mommy hindi naman ako magastos.”
“Sabihin mo lang kung kailangan mo ng pera at magsesend kami sa ‘yo ng Daddy mo.”
“Yes po Mommy Thankyou. You’re the best!” Ngumiti lamang ito.
“Nasan si Blake?”
“Nasa US, may binili.”
“Ahh Mommy pwedi ba ‘kong magpaturo sa Chef natin magluto?” Napatingin silang lahat sa ‘kin.
“Kasi alam niyo na independent na ‘ko ngayon, mag isa lang ako sa condo.”
“Oo naman Chelsea kung ‘yan ang gusto mo.” Malapad akong napangiti at tinapos ang breakfast.
Naglagay na ‘ko ng damit ko sa maliit na bag na dadalhin ko sa bahay nila Sr. Alas at inubos ang maghapon at kinabukasan ko sa pag aaral magluto pero hirap na hirap ako!
Kailangan kong matuto magluto para kay Sr Alas!
Binitbit ko na ang mga iba kong gamit ngunit iniwan ko ang mga alahas kong galing sa ibat ibang bansa.
Alangan dalhin ko.
Kasambahay ang papel ko don!
Pero pwedi ko naman sigurong dalhin ang nga skincare ko para manatiling maganda sa paningin ni Sr Alas.
Ito lang rubber watch strap lang dala ko at ang aking kagandahan.
Neng ang pangalan ko sa weekdays.
Chelsea sa weekends.
Kasambahay sa weekdays.
Prinsesa sa weekends.
Ako si Chelsea Montecarlos Palermo.
Part3
“Kada tatlong araw ay naglalaba ako para naman hindi matambakan ng labahin at hindi ako mahirapan.”
Pinili ni Manang ang maruming damit ni Sr. Alas at inilagay sa laundry basket habang pinagmamasdan ko lamang siya.
Hindi pala pumasok si Sr. Alas ngayon araw ng mierkules! Hindi niya tinatapat sa araw ng linggo ang kan’yang pahinga.
“Neng ikaw ng maglaba nito ha? Parang sum4kit ang aking likod.” Tumayo si Manang at hinawakan ang kan’yang likod kaya tumayo ako upang dampotin na ang basket.
“Sige lang po Manang kaya ko na ‘to.”
“Nasaan nga po pala si Sr. Alas ngayon kung wala s’yang pasok now?” Napatitig ito sa ‘kin at nag isip.
“Baka nagja jogging o di kaya’y nasa Gym ngayon umaga.” Napatango tango lamang ako at dinala na sa likod ng mansyon ang mga damit ni Sr. Alas para simulan maglaba.
Napaisip ako kung paano maglaba kaya naman kinuha ko saglit ang cellphone ko upang manuod sa YouTube kung paano simulan ang paglalaba.
Anghirap naman kailangan ko pang kamayin mayroon naman silang washing machine. Naglagay lamang ako ng powder sa tubig at pinili ang mga ilalagay.
Nahawakan ko ang maliit na tela na kulay gray.
Itinaas ko ito at nakumpirma kong isa itong brief.
Tumingin tingin ako sa paligid at napangisi bago ito dahan dahan na amoyin.
Napapikit ako dahil sa aroma ng kan’yang pinaghubaran na akala mo ay hindi sinuot dahil sa bango.
Jusko Chelsea normal kapa ba!
“Neng ito pa ang lalabhan, n-neng bakit mo inaamoy ang brief ni Sr. Alas?” Gulat tanong ni Manang kaya mabilis kong nailagay sa umiikot na washing ang kapiraso ng tela.
Nakagat ko ang labi ko.
“A-ah mukha po kasing m-malinis kaya inamoy ko ang asim po pala!ha ha ha.” Pilit kong tawa ngunit hindi siya natawa sa halip ay inilagay niya na lamang ang iba pang lalabhan.
Alas sais palang ng umaga ng nagsimula ako habang tumutulong kay Manang maghugas ng pinggan habang siya’y nagluluto ng almusal.
Baka hindi nanaman kumain si Sr. Alas kapag ako ang nakita n’yang nagluluto, mainam na ‘to na ako ang maglaba.
Nagbanlaw na ‘ko para makayari ng mabilis total ay konti lang naman iyon.
At ng matapos ay isinampay ko na, basa nadin ako dahil sa pagbabanlaw.
Napatingin ako sa puting montero na nakaparada sa garahe, hinimas ko ito at nakita ko ang alikabok sakan’yang kotse kaya tumakbo ako papunta kay Manang para itanong kung pwedi ko bang linisan ang kotse ni Sr.
Nagpapa carwash naman daw ito ngunit minsan ay makakalimutan kaya naman pumayag na itong linisan ko ang kotse ni myloves!
Sinimulan kong basain ang kan’yang kotse gamit ang host ng tubig at sabonan ng panghugas ng plato na joy para pabulain.
Nag eenjoy talaga akong pabulain ang kan’yang kotse at linisin sa bawat sulok.
Nakaka enjoy pala talaga ang ganito kaysa buong araw nasa luob ng kwarto kong malakas ang aircon, pumunta sa ibang bansa para don mag shopping. Mag Facebook maghapon at kumain kain lang.
Ayos din talaga ang napili kong trabaho habang kasama ang my loves ko!
Bumukas ang gate at napatingin ako kay Sr. Alas.
Napatingin siya sa kan’yang kotse na puno ng bula at bumaba ang tingin sa ‘kin na basang basa nadin suot ang puting tshirt at dolphin shorts.
Ang buhok ko ay nasa nadin habang magulo at nakaipit.
Lakas maka fierces.
Mas nilandian ko ang pagpupunas ng sponge sakan’yang kotse habang titig siya sa ‘kin.
Nakatitig lamang siya sa ‘kin habang pinupunasan ko ang kan’yang kotse na may halong pang aakit.
Itinaas ko ang sponge na may bula at iniligo sa ‘kin.
“Magandang umaga Sr. Alas.” Ng aakit kong bati napaiwas siya ng tingin at klinaro ang lalamunan.
“Magandang umaga Neng…salamat sa paglilinis sa kotse ko.” Simple n’yang sabi at pumasok na sa luob ng mansyon.
Kinikilig akong iniimagine na baka nagagandahan at naseseksihan siya sa ‘kin at tuluyan ng mahulog sa bitag ni Chelsea Montecarlos Palermo acckk!!
Wait!
Paano kung minsan araw ay malaman niya ang tunay kong katauhan.
Ayaw ni Sr. Alas ang sinungaling.
Nakagat ko ang daliri ko sa kaba at takot ngunit agad ko din naidura dahil lasang sabon pang hugas plato.
Bahala nasi Batman, aaminin ko nalang sakan’ya na nagawa ko iyon dahil sa crush ko siya.
Tinapos ko na ang pagpapaligo ng kan’yang kotse upang maligo, napadaan ako sa kusina at napatingin silang lahat sa ‘kin.
“Maligo kana Neng at magkakasakit ka.”Aniya ni Manang habang simpleng nakatingin lamang si Sr. Alas.
“Dahil sa paglilinis ni Neng sa kotse ko, ipagdadrive ko kayo sa pamamalengke.” Nanlaki ang mga mata namin ni Manang at nakagat ang ibabang labi para pigilan mapatili.
“Talaga Sr? Hindi ba’t pahinga niyo ngayon?” Manang
“No worries Manang, maganda ang gising ko ngayon at wala naman akong ibang gagawin.” Sr Alas
“O maligo kana Neng at sasamahan tayo ni Sr mamalengke at mag grocery!” Nakangiting sabi ni Manang kaya napangiti ako at tinakbo ang kwarto ngunit bigla akong nadulas sa dulas ng sahig.
“Okay lang ako!” Pilit kong ngiti kahit sumakit ang balakang ko.
Naligo na ‘ko at nagbihis.
Simpleng high waist pantalon at white na croptop lamang ang suot ko. Ngunit hindi ko nadala ang mga flat sandals ko kaya napahinga ako ng malalim na mapatingin sa paa kong nakasuot ng beach walk na tsinelas na medyo maluwag pa sa ‘kin.
Nakakasira naman ‘to ng porma o!
“Tara na Neng.” Sumenyas na si Manang matapos kong isara ang gate.
Sumakay na ‘ko sa kotse at pagsakay ko ay napatingin si Manang at Sr. Alas sa ‘kin matapos kong umupo sa harap.
Natawa ako.
“Ito na lilipat na—
“Dyan ka nalang.” Lihim kong kinurot ang sariling tyan dahil sa kilig ng pigilan ako ni Sr Alas na lumipat sa tabi ni Manang sa likod.
Nagdrive na siya kaya hindi ko maiwasan na lihim s’yang pagmasdan habang nagdadrive.
Napaka simple lamang ng kan’yang suot.
Puting sando at beige color na short hanggang tuhod. Suot ang kan’yang relo na tingin ko ay mamahalin na galing pang ibang bansa.
Busy ito sa pagdadrive habang busy naman akong titigan siya.
Tumingin tingin siya sa ibang direksyon at biglang napatingin sa ‘kin na abot tenga ang ngiti dahilan para umiwas ako ng tingin.
Nadinig ko ang matunog n’yang pagtawa kaya gulat akong napatingin muli sakan’ya. Nakangiti na si Sr. Alas? Tumawa ba siya dahil sa ‘kin?
Ako ang kan’yang happines?!!
Nagring ang phone ko kaya napatingin s’yang muli sa ‘kin. Pero wala akong balak na sagutin.
Sana pala ay nagpalit na ‘ko ng cellphone sa bahay.
Saan ka naman makakita ng kasambahay na naka iPhone 17??
“Tumatawag padin ba ang may ari ng cellphone na ‘yan Neng?” Tanong ni Manang kaya gulat akong napatingin kay Sr. Alas na tumingin din sa ‘kin.
“H-hindi na Manang, baka Lolo ko po ang tumatawag at namimiss ako.”
“Kung Lolo mo ang tumatawag edi sagutin mo baka namimiss ka.” Manang
Kaya dahan dahan kong kinuha ang cellphone ko na tinignan saglit ni Sr. Alas.
“Sanaol naka iPhone.” Sr Alas
“Naka Oppo lang ako e.” Dagdag niya kaya nahihiya akong sinagot ang tawag at si Lolo nga.
“Hello apo.” Unang bungad niya sa kabilang linya bago ko hinaan ang volume.
“Hello po Lolo.” Mahina kong tanong.
“Bakit ka napatawag Lo?” Tanong ko habang busy si Sr. Alas sa pagdadrive.
“On the way na kami ng Mommy mo sa condo unit mo para dalhan ka ng pagkain na pwedi mong stock sa ref.”
Nanlaki ang mga mata ko.
“PO?! BAKIT PO BIGLAAN?”
Nakuha ko ang attensyon ni Sr. Alas na napatingin sa ‘kin dahil nakahinto sa stoplight ang kotse.
Buti nalang at naka low ang volume.
“Bakit apo?”
“Mag gogrocery po kasi kami ngayon kaya medyo busy babyeee Lolo.” Mabilis kong inend ang tawag.
“Anong balita sa Lolo mo Neng bat napatawag?” Manang
“W-wala naman po, don lang po sa bahay.” Napatango tango lang siya at hindi na nagtanong.
Nakarating kami sa puregold at bumaba na, ang akala ko ay maiiwan si Sr. Alas sa kotse ay hindi pala.
Kasabay namin s’yang pumasok ni Manang at kumuha ng cart.
Sino ba naman hindi maiinlove sa isang CEO na ito na napaka lowkey at down to earth?!! Pogi na mabait at gentleman pa.
Nasa likod lamang ako habang kasama niya si Manang na kumukuha ng bibilhin.
“Hindi kaba dadalaw sa mga magulang mo mamaya Alas?” Tanong ni Manang.
“Baka po mamaya Manang itatanong ko nadin kung anong nangyayari dahil nagkakagulo sa bahay ngayon.” Pakikinig ko.
“Bakit daw?”
“Hmm nam4tay daw ung anak ng kambal ko.” Nasapo ni Manang ang kan’yang dibdib.
“Kambal niyo ho? Hindi ba’t si Sr. Spade iyon?” Napatango tango si Manang.
“Yes Manang.”
“Condolence sa buong pamilya!”
“Salamat Manang.”
Sa kakalakad ko at kakatingin ng kung ano ano ay may nasagi ako, malayo layo na sila Sr. Alas sa ‘kin kaya dinampot ko ang isang balot na napkin na dala ko at bibilhin ko.
Pag angat ko ng tingin ay
“Senyorita Chelsea?!”
Nanlaki ang mga mata ko at kaagad na tinakpan ang bibig ni Manang lourdes hinila ko siya sa tabi.
“Ano pong ginagawa niyo dito sino hong kasama niyo?” Masaya n’yang tanong kaya napatingin ako sa paligid.
“Ang mga kaibigan ko Manang! Pwedi po bang mag grocery nalang kayo ng matiwasay at wag niyo na ‘kong tawagin senyorita? Nasa public po tayo nakakahiya naman sa makakarinig.”
Napatango tango siya.
“Masusunod po senyorita este Chelsea.”
“Mukhang babayaran niyo na sa counter lahat ng nasa cart Manang pumila na kayo don ha.”
“Sige po aalis napo ako.”
“Ingat po.”
Nagmamadali akong sinundan si Sr. Alas at Manang para hanapin sila kung nasaan sila.
Inilagay ko ang isang balot ng napkin sa cart na mabilis na sinundan ni Sr. Alas ng tingin pero pat4y malisya na umiwas ng tingin ng makumpirma kung ano iyon.
“Sabagay nga Neng kailangan mong bumili n’yan para pag dinatnan ka ay may stock ka! Hindi na kasi ako gumagamit n’yan at menopause na ‘ko.”
“Dagdagan mo pa Neng ako ng magbabayad, walang sari sari store sa Southville at malayo pa kung lalakad ka sa kanto.” Pigil akong mapangiti dahil sa sinabi ni Sr. Alas kaya bumalik ako sa kinuhanan ko kanina para kumuha ng limang pirasong balot at inilagay sa cart.
Naglakad lakad pa kami habang namimili si Manang ng bibilhin, hinawakan ko ang hawakan ng cart para tulungan si Sr. Alas.
Napatingin siya sa ‘kin ng madikitan ng daliri ko ang kan’yang kamay na nakahawak sa cart.
Napangiti lamang ako sakan’ya at pinagpatuloy ang paglalakad.
Para kaming mag asawa na naggo grocery kung wala lang si Manang! Acckkk!!
May ilan kababaihan na napapatingin kay Sr. Alas na mabilis kong iniirapan na para bang akin talaga ang lalaking ito na katulong kong magtulak ng cart.
Part4
MABILIS ang araw ng sabado kaya naman umuwi nanaman ako sa ‘min, day off ko twing sabado at linggo kaya naman.
“Good morning!” Bati ko habang sama sama silang nag aalmusal.
Ibinaba ni Lolo ang dyaryo kaya naupo na ‘ko upang magsandok ng almusalin para akong ginugutom araw araw dahil di ako maka kain don ng maayos.
“Namayat ka yata Apo?”
Tanong ni Lolo kaya napatingin ako sakan’ya.
“Diet Lolo.”
“Diet pero ngayon ay isang bundok ng kanin ang kakainin mo? Diet kaba twing sabado at linngo?”
“Opo Lolo gano’n nanga… Manang lourdes paki timpla naman po ako ng kape.”
“At natuto kana magkape.”
“Opo Lolo 26 napo ako at hindi na bata.” Nakangiti kong sabi at tinusok ang hotdog at kinagat.
Hmm sarap malasa parang hotdog ni Sr.
“Nabalitaan kong hindi ka umuuwi sa condo mo.” Bigla akong nabilaukan at nasapo ang dibdib.
Inabutan ako ni Mommy ng tubig na mabilis kong ininom.
“Kanino naman kayo nakabalita Lolo?”ngunit tinitigan niya lamang ako.
“Chelsea apo.”
Napatitig ako sakan’ya, bata palang ako ay kilala ko ng matalino ang Lolo ko.
Natawa ito.
“Kung ano man ang ginagawa mo sa buhay mo ngayon ay sige lang mag enjoy kalang ngunit wag mong kalimutan ang limitasyon mo apo.”
“Ano ba ang ginagawa mo sa buhay anak at nagkaka galos ang magandang kamay mo?” Tanong ni Mommy kaya mabilis kong naiktiklop ang daliri ko.
“N-naghuhugas po ng plato Mom, gusto ko naman subukan ang mga hindi kopo nagagawa. “
“Pero saan ka nga tumutuloy apo? Baka mayroon ka ng lihim na boyfriend at—
“W-WALA PO LOLO! WALA PO AKONG BOYFRIEND.” Malakas kong depensa sa sarili ko kaya tinitigan nila ko.
“Minsan nagssleeep over po ako sa mga kaibigan ko Lolo.”
“Talaga apo? Bawal ang sinungaling hahaba ang ilong mo.”
Nasapo ko ang ilong ko at napanguso.
“Humahaba ang ilong mo Ate Chelsea!!” Tumatawang sabi ng Tessmarie habang nakaturo sa ilong ko kaya sinamaan ko siya ng tingin.
“Alam ko nga po kasi ang ginagawa ko Lolo! Wala po akong boyfriend na kinakasama at kung sakaling mag aasawa ako.”
“Mabuting iharap mo agad sa ‘min apo, kahit ano pa siya ay iwe welcome namin sa pamilya.”
Napangiti ako.
Hayaan niyo Lolo kapag nakuha ko na ang poso ni Sr. Alas ihaharap ko siya kaagad sainyo.
“Ihaharap kopo kaagad sainyo kung sakaling mayroon Lolo.” Napangiti lang ito.
“Siya nga pala mayroon tayong party na pupuntahan mamayang gabi kaya magshopping kayo ng Mommy mo para makabili ng susuotin para mamaya.”
“Marami pa naman akong dress dyan Lolo.”
“Samahan mo nalang ako anak kung ayaw mong bumili.” Napatingin ako kay Mommy paano ba naman ako makakatanggi sakanya.
“Sure Mommy.”
“Hello madlang people!” Napatingin kami sa hagdan, suot ang boxer na puti ay bumaba si Blake.
“Kamusta kana Architect?” Hinatak niya ang pisnge ko.
“Okay naman pogi padin! Ikaw ba Ms. Flight attendant bakit ayaw mo pang sumakay ng eroplano at lumipad lipad.”
“Eh ayoko pa e. Nag eenjoy pa ‘ko matapos ang buong buhay kong nakasubsob sa pag aaral. “
Naupo siya at kumain na at ako naman ay tumayo na para umakyat na ng hagdan para maligo ngunit.
“Chelsea Apo. “
” Bakit po? “
” Bakit ganyan ang suot mong tsinelas? ” Napatingin si Mommy at Blake sa paa ko.
” Comfy po kasi magsuot ng ganito Lolo! ” Natatawa kong sabi at umakyat na ng hagdan.
Simpleng pink floral dress lamang ang suot ko, pares ng gold earings at necklace. Kinulot ko lang ng konti ang buhok ko at naglagay ng pulang lipstick. Flatsandals at sling bag.
“Tara na Mommy.”
Ngumiti siya at sabay kaming sumakay ng van kasama ang mga kapatid ko. Sinaksak ko lang ang earbuds sa tenga ko dahil ang iingay nila sa luob.
Pagdating don ay naglakad lakad lang ako habang nakasunod kung saan magpunta si Mommy.
Sukat ng dress para sa mga kapatid ko tingin ng sandals at kung ano ano pa.
Mula sa salamin ng restaurant ay bigla akong napatago dahil nakita ko ang lalaking pamilyar sa ‘kin.
Si Sr. Alas ba ‘yon?
May babae s’yang kaharap at kausap habang kumakain.
Hindi maari ito?!!
Niloloko ba ‘ko ni Myloves? Kailangan pa siya nagchecheat? Ang s4kit! Gusto ko silang sugurin at ipahiya sa mga tao pero hinawakan ni Mommy ang kamay ko.
“Chelsea tignan mo mukhang maganda ang mga dress don!”
“Bitawan mo ‘ko Mommy mga t4ksil !!!” Sigaw ko.
“Anong sinasabi mo Chelsea—
Napangisi ako at tinignan ang tinuturo n’yang boutique.
” Tara Mommy mukhang maganda nga ang mga dress don.”
Nagmamartsa akong naunang maglakad, eme lang! As if may karapatan ako? Alangan maglantad ako kaagad sa harapan ni Sr. Alas?
Mas maganda naman ako ng di hamak don sa babaeng kaharap niya.
” May ano nga pala mamaya Mommy? “
” Engagement party sa isang kaibigan ng family natin.” Napatango tango ako habang nagsusukat ng dress.
“Pwedi bang wag ng sumama—
“Hindi, gusto ng Lolo mo kompleto tayo.” Napanguso na lamang ako.
Sabagay ay linggo naman bukas, bukas na ‘ko maghihiga buong maghapon sa aircon kong kwarto.
Kinagabihan ay nag asikaso na kami para sa pag alis papunta sa party.
Binilang ni Daddy ang mga kapatid ko pagbaba namin ng Van at kompleto naman, kaya ayoko ng maraming anak e. kailangan pang bilangin isang dosena baga naman.
Simpleng red dress lamang ang suot ko at light make up dahil di naman ako pala make up.
Okay na ‘to.
Matao sa malaking bahay ng kilalang bussiness patner ni Lolo, puro mga nagtatrabaho sa malalaking company ang mga dumalo.
Naupo kaming magpapamilya sa dalawang set ng table dahil sa laki ng pamilya namin.
Patingin tingin lamang ako sa paligid habang kumakain ng pagkain sa buffet na nauna na ‘kong kumuha.
Kumuha nadin ako ng grapes wine dahil hindi ko bet ang drinks.
Habang kumakain ay biglang nagsalita si Lolo.
“I’m glad you’re here Mr. Watson.” Dinig kong sabi ni Lolo kaya umangat ang tingin ko sa lalaking nasa harapan ng table namin.
Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko si Sr. Alas suot ang tuxedo.
“Natutuwa din akong makita kayo dito Chairman!” Nakangiti n’yang bati pabalik kay Lolo.
“Sila pala ang family ko!” Introduce ni Lolo at itinuro kami kaya mabilis kong inilaglag ang tinidor at dinampot.
Sumuot ako sa ilalim ng mesa at.
“Chelsea apo??”
“M-may inaayos lang Lolo.”
Hindi na napigilan sumilip ni Mommy.
“Anong ginagawa mo dyan? Umayos ka ng upo.” Madiin na sabi ni Mommy ngunit nakatitig lamang ako sakan’ya.
“Im going Mr. Montecarlos Thankyou!” Dinig kong sabi ni Sr. Alas kaya dahan dahan akong umangat at umayos ng upo ng makumpirma kong nakaalis na si Sr. Alas.
Nakatingin silang lahat sa ‘kin kaya natawa ako ng peke.