“LIHI SA PATĀY”

“LIHI SA PATĀY”

Hindi ako mahilig magsalita ng tungkol sa kababalaghan. Pero ngayong may sarili na akong anak, at ilang taon na rin naman ang lumipas… ay gusto ko na pong ilabas itong lihim na matagal ko nang kinikimkim.

Taong 2008 nung magbúntis po ako sa panganay ko.
Isang buwang buntís pa lang po ako noon nang pumanaw naman ang hipag kong si Celina—
Dalaga po si Celina author, 27 yrs. old at biglaan lang ang atáke niya sa puso.
Hindi po makapaniwala ang lahat dahil malusog naman po siya, walang bisyo, mabait at masayahin.
Pero isang gabi… habang nanonood siya ng TV ay bigla na lang siyang bumagsak at hindi na nagising pa.
Ako po ang nag-asikaso ng burol niya author…
Sa bahay lang kase iyun ginawa, kaya araw-araw po akong nandoon.
Inaamin ko na masama po ang loob ko noon— dahil buntis nga po ako, tapos ako pa ang pinakababad sa pagbabantay sa patay.
Pero sa huli ay naisip ko na wala naman akong magagawa… dahil ako nalang po nun ang babae sa pamilya ng asawa ko.
Sa ikalawang gabi ng lamay niya author… ay nagsimula na po akong makaramdam ng kakaiba.
Hindi lang hilo at hindi lang din po suka !
Gabi-gabi, Ate Nhie… ang pinaglilihían ko po ay hindi mangga, hindi rin hilaw na bayabas. Kundi bangkay !
Oo. BANGKAY !!!
Hindi ko rin po maintindihan… Pero habang tinitingnan ko ang kabaong ni Celina ay para bang… naaadík ako sa amoy ng formalin.
Parang ang dating nun sa ilong ko author ay nilagang baboy…
Naglalaway po ako at parang gustong gusto kong tikman ang bangkay !!!
Ang putla ng mukha ng bangkay ni Celina noon… pero sa paningin ko po author ay parang gatas ang kutis niya.
Malamig rin po ang bangkay… pero parang ang pakiramdam ko ay kay sarap hawakan.
Gusto ko rin po siyang laging lapitan at ang mas malala ay gusto ko pong mahiga sa tabi niya !!!
Noong una author ay pinipigilan ko po dahil nahihiya ako sa sarili ko…
Sinasabi ko nalang sa sarili ko nun…
“Buntis ka lang Malou. Baka may tøpak ka lang ngayon…”
Pero author habang tumatagal po ang burol ng hipag ko ay lalo lang akong naaakit !
Hanggang sa sumapit ang ikaapat na gabi ng burol at saktong wala na pong tao sa sala.
Tulog na rin po ang ibang mga bantay at ako na lang po ang gising.
Kaya nagmamadali po akong lumapit sa kabaong at hindi ko na napigilan ang sarili ko. Ini-angat ko ang salamin !!!
Amoy na amoy ko agad ang formalin. Pero sa halip na masuka… ay ngumiti ako, dahil napaka bango po nun sa pang-amoy ko !!!
Niyakap ko rin agad ang bangkay si Celina. Mahigpit at matagal. Sinasamyo ko talaga ang amoy niya. At bangong bango talaga ako !!!
At habang yakap ko siya… parang nararamdaman ko na kumakalam ang tiyan ko…
Para bang gumalaw ang anak ko sa loob. Malakas at parang sumasabay sa tibok ng puso ko.
Sa gilid rin ng tenga ko ay parang may bumubulong…
“Sa’kin mo s’ya ipaglíhi… tikman mo ako !!!”
Pero bigla po akong natauhan…

Kumawala ako sa pagkakayakap sa matigas ng patay at agad ko na rin pong tinakpan ang kabaong, pagkatapos ay tumakbo na palabas.
Hindi ko rin po inakala na magagawa ko ‘yun. Hindi ko rin po alam kong ano ang nangyayari sa akin… hanggang ilibing na po si Celina.
Pero simula noon ay naging paborito ko naman pong amuyin ang semento, ang lupa sa sementeryo at ng kandila kung saan nakalibing si Celina.
Hindi rin po ako makakain ng normal noon hanggang hindi ako nakakadaan sa libingan niya.
Minsan pa nga po ay hihiga pa ako sa tabi ng nitso niya… at dun pa ako natutulog at kung minsan ay inaabot ng gabi !!!
Hanggang sa matapos po ang paglilihi ko… at naging normal na muli ang pakiramdam ko.
Ate Nhie, ang kinatatakutan ko naman nun ay ‘yung ultrasound at check-up ko… dahil hindi po makita nang maayos ang mukha ng baby ko.
Lagi kase itong nakatalikod sa monitor. Laging nakayuko at laging may something blocking his face.
Pero nang isilang ko naman ang anak ko ay walang abnormalidad. Pero may isa lang akong napansin…
Kakaiba po ang singaw ng katawan ng anak ko lalo na pag napapawisan… at kahit liguan ko pa s’ya ng liguan ay talagang umaalingasaw ang amoy niya… na parang masanghid sa ilong na kung minsan ay amoy patay !
Lumalaki rin po s’yang tahimik, mahinhin at putlain po ang balat… ngunit wala daw naman pong sakit sabi ng mga doktor.
Kapansin… pansin rin po na hindi niya hilig makihalubilo sa ibang bata at mas gusto pang laging nag-iisa.
Pero sa t’wing bibisita naman po kami sa sementeryo ay sumisigla siya at nasubok ko pang minsan na nakikipag-usap s’ya sa puntod ni Celina.
Minsan ay nahuhuli ko rin po siyang naglalaro sa ibabaw ng nitso ng namayapa n’yang tita…
Nang tanungin ko naman po kung sino ang kausap niya, ang sabi lang niya…
“Si Tita Celina po Mama…!”
Kaya kinilabutan po ako author… at simula po noon ay hindi na po muna kami dumadalaw sa puntod ni Celina.
Hindi ko alam kung ano po ang nangyayari sa anak ko… o kung paano maaalis ang mabahong singaw ng katawan niya. Ginawa ko na po ang lahat ng paraan para mawala ang kakaiba niyang amoy, pero wah effect po talaga ?!
Hindi ko rin po alam kung ano ba talaga ang naging papel ng hipag kong namatay sa pagbubúntis ko… pero isa lang po ang sigurado ako…
Naipaglíhi ko po talaga ang anak ko sa isang bangkay author !!!